RETORIKA: MAHALAGANG ASIGNATURA

Photo Credit: Google 

Sa ating modernong panahon, sinasabi nila na matalino ka kung magaling ka sa wikang Ingles. Ngunit ayon sa ating pambansang bayani, Dr. Jose Protacio Mercado Rizal, na napakaraming wika ang alam, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda".Nakakalungkot isipin na maraming Pilipino ang mas mahusay sa wikang banyaga. Subalit, ito ay maaaring mapag-aralan o matutuhan upang mas maging maayos ang pakikipagtalastasan, direkta man o hindi. Napakabuting bagay na kasama sa Curriculum ang Retorika (Masining na Pagpapahayag).

Ayon sa www.inspiringmodelsofeducation.blogspot.com, "Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay na kahuluhan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa."

Dahil sa araw-araw tayong nakikipag-ugnayan,malaking tulong ang kaalaman sa retorika upang higit nating  maihayag nang mabisa ang ating saloobin. Sa kursong ito, itinuturo ang Gramatika at Ang pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Estilo, Pagsulat ng Komposisyon at Mga Komposisyong Personal at iba pang mga bagay na magbibigay daan sa paglago ng Interpersonal skills ng estudyante. Mas nagiging epektibo ang ating diskurso kung sinusunod natin ang mga tuntunin sa balarila.

Photo Credit: shutterstock.com

Higit kong naunawaan dito ang mga kaalaman sa pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita tulad ng Paggamit ng mga Idyoma at Tayutay, Pagsulat ng maayos na Komposisyon, Komposisyong Personal, Blogs, at Repleksyong Papel, maging ang mga simpleng tuntunin sa gramatika sa wikang Filipino. Nalaman ko rin ang mga angkop na salita na karaniwang nagiging pagkakamali ko. Gayon din, naniniwala ako na mas marami pa akong matutunang kaalaman hinggil sa linggwistika mula sa kursong ito. Malaking tulong ito upang madagdagan ang aking kompiyansa sa sarili sa pagharap ko at pakikipag-usap sa mga tao, ganun din sa aking paglikha ng mga sulatin sa literatura. Hangarin ko na higit ko pang maunawaan ang wikang Filipino at mas malinang ang aking kaalaman upang
hindi ako maging banyaga sa ating sariling wika. Isang mabisang pagpapahayag ng ating pag-ibig sa ating bansa ang paggamit at paglinang sa wikang Filipino na ginagamitan ng tamang retorika.

Makakatulong rin ang blog na ito - RETORIKA: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG RETORIKA
  

Comments